Dahon

Sunday, June 19, 2011

Funny Komiks



Mahilig ako sa komiks, naalala ko dati nung nasa elementarya ako n'un, tuwing Lunes ibibilin ko sa Mommy ko na bilhan ako ng Funny Komiks. Tuwing Lunes kasi lumamabas ng isyu ng Funny Komiks, dun sa talipapa ng St. Ana, Taguig mayroon nagtitinda ng dyaryo dun at dun bumibili ang Mommy ko. Naalala ko pa n'un, iilang kopya lang ng Funny Komiks ang binebenta ni manong(isang maitim, na matabang lalaki na medyo may kalakihan ng ilong na nagbebenta ng drayro hangang ngayon) minsan pa nga'y nauubusan ako, lalo na kung Martes na at hindi pa ako nakakabili, minsan naman Miyerkules na ay meron pa.

Gustong-gusto noon magbasa ng Funny Komiks, makulay ito at halos lahat ng kwento ay comedy pero ung iba hindi, at isa dun yung paborito, yung Combatron, pero nawala rin yung Combatron nun, ewan ko kung anung nangyari o naging wakas nito. At minsan rin ay ginusto kong mag padala ng drawing ko sa isang portion ng komiks nila yung paglalathala nila ng mga guhit ng mga bata, kaso 'di ako nakapagpasa hangang sa nawala ang Funny Komiks. Hahaha.

Siguro sa pagbabasa ko ng komiks nakuha ang pagkahilig ko sa pagguhit at paggawa ng komiks. Una kong sinubukan gumawa ng komiks nung nasa grade 6 ako, naalala ko sa grade 1 paper ko pa to ginagawa.

Hindi pa ako nakakapagtapos sa elementarya n'un nang biglang nawala ang Lingguhang komiks na kinahuhumalingan ko. Ewan ko kung bakit at wala akong malay sa nangyari dito. Kailangan kong magresearch! :)

...

Hindi ko alam kung anung gagawin ko sa blog na ito. Wala akong alam sa pagsusulat, walang pormal na pag aaral ukol dito. Ginawa ko 'to nung una para pa malagyan ng mga ginuhit kong komiks. ayun ang unang kong pakay kaya ko ginawa ito. Pero parang ang hirap i-maintain. Haha.
At ngayon, gusto ko nang gamitin ang pahinang ito 'di lang para gawing outlet ng kabalbalan ko sa pagguthit, kung 'di kabalbalan ko sa lahat ng bagay.

At mula sa oras na ito, opisyal nang bukas at magiging aktibo ang pahinang ito.